
Personal na ininspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang Navotas Coastal Dike Pumping Station ngayong Martes ng umaga.
Tiningnan ni Dizon ang kasalukuyang operasyon at kondisyon ng mga flood mitigation structures, partikular ang kakayahan nitong magpalabas ng tubig-baha mula sa mga komunidad patungo sa Manila Bay.
Ikinatuwa naman ni Dizon na hindi gaanong binaha ang Navotas sa kabila ng malakas na pag-ulan dulot ng habagat. Aniya, malaking tulong dito ang mga flood-control at flood mitigation measures na ipinatutupad sa lungsod.
Gayunman, sinabi ni Dizon na isa sa mga pangunahing problema ng mga pumping station ang mga basurang bumabara sa daluyan ng tubig at nakaaapekto sa operasyon ng mga bomba.
Matatandaang nakaranas ng malakas na pag-ulan ang Metro Manila bunsod ng habagat, na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar.










