Hiniling ng Municipal Government of Binmaley sa Department of Public Works and Highways o DPWH Pangasinan 2nd District Engineering Office ang agarang inspeksyon at pagkukumpuni sa mga lubak at sirang bahagi ng national roads sa bayan, lalo ngayong nagpapatuloy ang tag-ulan.
Sa liham na may petsang Agosto 17, 2026, sinabi ni Binmaley Mayor Pedro Merrera III na nagiging mas mapanganib sa mga motorista ang mga pothole at deteriorated asphalt pavement kapag tuluy-tuloy ang pag-ulan.
Kabilang sa mga nais ipasuri ng LGU ang paggamit ng wet-weather cold-mix asphalt, water pumps o wet vacuum, industrial air blowers, pavement heating equipment, compactors at iba pang kagamitan na maaaring gamitin alinsunod sa DPWH engineering at safety standards upang maisagawa agad ang pagkukumpuni ng mga daanan.
Bukod kasi sa panganib ng aksidente, maaari rin itong magdulot ng pagsisikip ng trapiko, pagkasira ng mga sasakyan at higit pang deterioration ng mga kalsada.
Isa sa nakikita namang malalim na problema ng alkalde ay ang kawalan ng maayos na sistema ng bansa sa paggugol ng pondo para sa infrastructure.
Handa naman ang Municipal Government na makipag-ugnayan sa DPWH para sa joint road inspection at mapping ng mga priority pothole locations sa Binmaley. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







