Dalawang Katao sa San Mariano, Isabela, Arestado!

717

San Mariano, Isabela – Bagsak kulungan ang dalawang katao sa kasong Carnapping matapos isilbi ang Warrant of Arrest ng mga ito sa Brgy. Bitabian, San Mariano, Isabela.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Mario Donato Amistad, trentay syete anyos, walang asawa at Belinda Libag Fernandez, trentay kwatro anyos, walang asawa at kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng PNP San Mariano katuwang ng PNP Paracelis ang dalawang akusado pasado alas dose ng tanghali matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Jennifer P. Humiding ng RTC, 1st Judicial Region, La Trinidad, Benguet dahil sa kasong Carnapping.

Samantala, nasa himpilan na ng pulisya ng San Mariano sina Amistad at Fernandez para sa kaukulang domentasyon bago dalhin sa court of origin ng mga ito habang walang inirekomendang piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments