MENTAL HEALTH NG KABATAAN SA DAGUPAN CITY, PATULOY NA TINUTUKAN

Sa gitna ng usapin hinggil sa mental health sa kabataan, nagsagawa ang Local Health Support Division (LHSD) – Family Health Cluster ng isang symposium na dinaluhan ng mga opisyal at youth representstives sa Dagupan City.

Tinalakay sa aktibidad ang mga isyung madalas ikinakaharap ng kabataan gaya ng stress, emotional regulation, at coping mechanisms.

Bukod dito, ibinahagi din ang kahalagahan ng help-seeking behavior sa oras ng pangangailangan para sa mga kabataang posibleng nakararanas ng emosyonal at mental challenges.

Binanggit din ang napapanahong stigma at maling paniniwala na nagiging hadlang sa pag-unawa sa mental health conditions.

Sa ilalim nito, muling pinagtibay ng lokal na pamahalaan ang hakbang upang tugunan ang mga isyu sa mental health para sa kapakanan ng kabataan.

Facebook Comments