
Mahigit 100 libong personnel ang ipakakalat para sa seguridad ng Labor Day sa May 1.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño nasa kabuuang 106,633 ang ide-deploy na mga personnel mula sa PNP partikular na sa Highway Patrol Group (HPG), Aviation Security Group (ASG) at Maritime Group ,kasama ng iba pang unit at mga force multipliers.
Aniya, simula bukas ng 12:01 ng madaling araw hanggang May 2 ng kapareho ring oras ay itataas sa heightened alert status ang buong hanay ng PNP.
Ibig sabihin nito ay kanselado ang lahat ng leaves at 100 porsyento ang attendance ng lahat ng kapulisan sa bansa.
Samantala, ayon kay Tuaño may tatlong grupo na nag-a-apply para sa rally ngunit wala pang natatanggap na approval ng permit .
Partikular na ina-apply-an na mga lugar na pagdarausan ng rally ay sa US Embassy, UP Diliman, Welcome Rotonda, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Quezon City area.
Binigyang diin naman ng PNP na mananatili silang apolitical at hindi makikihalo sa usapin ng pulitika.
Wala namang namo-monitor na banta ang pulisya ngunit hindi umano ito pakakampante at patuloy ang kanilang monitoring sa nasabing aktibidad.










