Dalawang King Cobra, ginawang pet ng isang binatilyo sa Ilocos Norte

215
iFM Laoag – Nagmistulang pet ng isang binatilyo sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte ang dalawang ahas na King Cobra. Nakilala ang binatilyo na si John Lloyd Dela Cruz.
Ayun kay John Lloyd, bata pa lamang daw siya ay mahilig na ito sa mga ahas at hindi daw ito takot sa mga ito, bagkus, mas takot pa raw at sumusunod ang mga ahas sa kanya na para bang anak siya ni Zuma.
Maliban sa pag-alaga at paghawak sa dalawang ahas, ipinakita niya pa sa publiko na kaya rin niya itong halikan lips-to-lips. May mga sarili din itong pet house na yari sa kawayan na ginawa ni John Lloyd.

Kuha ni RadyoMaN Dennis Alipio ng iFM Laoag
Ayun sa DENR, delikado ang pag-aala ng ahas kung walang kakayahan ang isang tao na mag-aalaga dito, ngunit para kay John Lloyd, ahas man sila sa paningin ng iba, itinuring na niya itong mga kaibigan | via Bernard Ver, RMN News
Facebook Comments