Friday, October 9, 2026

Resolusyon ng problema sa WPS, walang katiyakan ayon kay PBBM

Walang kasiguraduhan kung mareresolba ang sigalot sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanyang talumpati sa Forbes Global CEO Conference sa Singapore, sinabi ng Pangulo na sa ngayon, kailangang pamahalaan ang tensyon upang maiwasan ang mga pagkakamali at maling interpretasyon na maaaring magpalala sa sitwasyon.

Gayunman, determinado ang Pilipinas na makabuo ng kasunduan, kabilang ang Code of Conduct, upang mapakalma ang tensyon sa pinag-aagawang karagatan.

Inamin din ni Marcos na isa sa kanyang pinakamalaking pangamba ang posibleng pagkakamali ng isang sundalo na maaaring humantong sa mas malubhang komprontasyon.

Binigyang-diin ng Pangulo na kailangang mapanatili ang kapayapaan at kalayaan sa paglalayag sa WPS, na mahalaga hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Facebook Comments