Saturday, October 10, 2026

Imbestigasyon sa ₱319-M na remittance sa Cale88 ng mga kompanyang konektado sa China, isusulong sa Kamara

Pa-iimbestigahan ni House Deputy Speaker Jefferson “Jay” Khonghun sa Kamara ang nabunyag na ₱319 million na remittances sa Cale88 Foods Corporation ng mga kompanya na umano’y pag-aari ng China.

Ang nabanggit na mga salaping pumasok sa Cale88 ay lumutang sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung saan tinukoy ang kaniyang mister na Atty. Manases Carpio na may mahigit 47% na share sa naturang kompanya.

Ayon kay Khonghun, kailangang mabusisi ang mga transaksyon sa Cale88 ng mga dayuhan upang matukoy kung nakompromiso ang karatapan ng mga Pilipinong mangingisda at intres ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang pagsusulong imbestigasyon ay tiniyak ni Khonghun makaraang sya at si Zambales 2nd District Representative Doris “Bing” Maniquiz ay makatanggap ng manifesto mula mga maliliit na mangingisda sa Sta. Cruz, Masinloc, Palauig, Iba at San Narciso.

Binanggit ni Khonghun na nananawagan din ang nabanggit na mga mangingisda sa Impeachment Court na suriing mabuti kung mayroong opisyal ng gobyerno ang nagprayoridad sa interes ng dayuhan higit sa karapatan ng ating bansa sa West Philippine Sea.

Facebook Comments