Tuesday, October 13, 2026

PBBM, hindi interesadong subaybayan ang impeachment trial ni VP Sara

Hindi prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsubaybay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil mas marami pa siyang kailangang asikasuhing trabaho sa pamahalaan.

Ito ang sagot ng pangulo nang matanong sa kaniyang reaksyon sa nagaganap na trial.

Ayon sa pangulo, limang minutong highlights lamang ng paglilitis ang napapanood niya kada araw.

Giit ni Marcos, hindi siya direktang sangkot sa impeachment trial dahil nasa Senado ang responsibilidad na pangasiwaan ito.

Sa halip, mas pinagtutuunan niya ng pansin ang mga trabahong kailangan niyang tapusin bago matapos ang kanyang termino.

Binigyang-diin ng pangulo na halos 19 na buwan na lamang ang natitira sa kanyang panunungkulan kaya marami pa siyang kailangang gawin.

Facebook Comments