Monday, October 12, 2026

PBBM, balik-Pilipinas na mula Singapore; bilyun-bilyong pisong investment at trabaho, target sa mga nakausap na negosyante

Balik-Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang limang araw na working visit sa Singapore.

Sa kanyang arrival statement, ibinahagi ng pangulo ang mga naging pakikipagpulong nito sa mga negosyante at business leaders sa 24th Forbes Global CEO Conference.

Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapalawak ng operasyon ng FedEx sa Clark, 700 million dollar investment ng Mitsubishi Corporation sa Ayala Corporation, at planong dagdagan ng Vena Energy ang kapasidad sa paglikha ng kuryente sa Pilipinas.

Isinulong din ng pangulo ang $20-billion Luzon Economic Corridor, na layong palakasin ang imprastraktura at negosyo sa bansa.

Umaasa ang pangulo na ang interes ng mga dayuhang negosyante ay magbubunga ng mas maraming pamumuhunan, makabagong teknolohiya at trabaho para sa mga Pilipino.

Kasabay nito, tiniyak ni Marcos ang pagpapatuloy ng mga hakbang laban sa korapsyon at pagpapadali ng pagnenegosyo sa bansa.

Facebook Comments