Friday, May 8, 2026

AKUSADO SA SEXUAL ASSAULT AT ACTS OF LASCIVIOUSNESS, ARESTADO SA PANGASINAN

Timbog ang isang 27 anyos na lalaki matapos arestuhin ng mga tauhan ng Sison Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Bila, Sison, Pangasinan kaugnay ng kasong Sexual Assault at Acts of Lasciviousness.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19 sa Cainta, Rizal.

Hindi na pinangalanan ng pulisya ang akusado alinsunod sa umiiral na patakaran kaugnay ng mga kasong may kaugnayan sa pang-aabuso.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Sison MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.

Ayon sa kapulisan, patuloy ang kanilang pagsisikap upang maipatupad ang batas at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments