Wednesday, May 6, 2026

VP Sara, naniniwalang sinulat ng Diyos ang impeachment niya

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na ano man ang nangyayari sa buhay ng isang tao ay sinulat ng Diyos.

Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na maging ang impeachment sa kanya ay isinulat ng Diyos.

Aniya, tuluyan man siyang ma-impeach o hindi, ito aniya ay isinulat ng Diyos.

Inihayag naman ni VP Sara na hindi alam ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na may panibagong impeachment complaint siyang kinakaharap.

Aniya sa edad ng dating pangulo na 81, hindi na ito dapat makatanggap ng mga negatibong balita.

Facebook Comments