Friday, May 8, 2026

TOP 6 MOST WANTED PERSON SA PANGASINAN, ARESTADO SA STA. BARBARA

Arestado ang isang 35 anyos na lalaki na kabilang sa Top 6 Most Wanted Person sa provincial level sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Sta. Barbara, Pangasinan nitong May 7, 2026.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang isang driver, at residente ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:05 ng hapon nang magsagawa ng joint operation ang mga tauhan ng Sta. Barbara Municipal Police Station bilang lead unit at Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 1 bilang support unit.

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng dalawang bilang ng kasong Statutory Rape.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Barbara Municipal Police Station ang naarestong suspek habang hinihintay ang kaukulang proseso ng korte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments