AKTIBONG MIYEMBRO NG PHILIPPINE NAVY NA ITINUTURING TOP 4 MOST WANTED SA CAVITE, ARESTADO SA BOLINAO, PANGASINAN

Nadakip ng mga operatiba ng Bolinao Municipal Police Station ang Top 4 Most Wanted Person ng Cavite Police Provincial Office sa antas panlalawigan sa isinagawang manhunt operation noong Nobyembre 19, 2026, sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Kinilala ang naarestong indibidwal bilang residente ng Bolinao at aktibong miyembro ng Philippine Navy na nakatalaga sa Headquarters nito sa Cavite City.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng apat na bilang ng kasong Statutory Acts of Lasciviousness, alinsunod sa Article 336 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 11648.

Nakatakda ang piyansang ₱180,000 para sa bawat bilang ng kaso, o kabuuang ₱720,000 para sa apat na kaso.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Bolinao Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso.

Muling nanawagan ang Pangasinan PPO sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ngpagbibigay ng napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon na makatutulong sa pagtukoy at pag-aresto sa mga wanted person. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments