Dalawang Pinoy na suspek sa pananaksak sa dalawang kapwa Pinoy sa Hong Kong, natunton na

Natunton na ng mga awtoridad sa Hong Kong ang dalawang Pilipinong nanaksak sa kapwa Pinoy sa Hong Kong noong October 9.

Ang mga suspek ay isang 46 taong gulang na Pinoy construction worker sa Hong Kong habang ang isa pang Pinoy suspect na 55 taong gulang ay isang private driver doon.

Ang dalawang suspek ay humarap na sa korte matapos maaresto ng mga awtoridad doon.


Ang suspek na Pinoy construction worker ay hindi pinayagan ng Hong Kong court na makapagpiyansa.

Habang ang suspek na Pinoy driver ay pansamantalang nakalaya matapos payagan ng korte doon na makapagpiyansa.

Ang dalawang Pinoy naman na biktima ay kapwa nagtamo ng maraming saksak sa mukha at iba pang bahagi ng katawan dahil sa pag-atake ng dalawang Pinoy suspects.

Facebook Comments