
Mariing itinanggi ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang alegasyong tinatakasan nila ang responsibilidad sa pagkamatay ng mga student-athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni ADMU President, Fr. Bobby Yap, na sa unang araw pa lang nang mapag-alaman ang pagkalunod nina Baterbobia at Adili, mas pinili nila na tahimik na makipag-ugnayan sa pamilya at asikasuhin ang kanilang pangangailangan nang hindi kinakailang maisapubliko.
Aniya, inalok nila ang pamilya Baterbonia na mailipad sa Manila pero nirerespeto nila ang pasya ng mga ito na tanggapin ang alok ng Local Government Unit (LGU).
Dagdag ni Fr. Yap, bagama’t kaisa sila sa paglabas ng katotohanan, kinikilala nila na may mga karapatan din ang mga tauhan ng unibersidad na sumasailalim na sa imbestigasyon.
Mariing humingi ng paumanhin ang unibersidad sa pamilya nina Baterbonia at Adili at nangakong makikipagtulungan sa mga gagawing imbestigasyon.










