Thursday, June 18, 2026

Sen. Pia Cayetano, mistulang iritable sa interpelasyon sa gitna ng special session

Screenshot from Senate of the Philippines/YouTube

Napuna sa special session ang pagiging iritable ni Senator Pia Cayetano habang nag-i-interpellate kay Senator Risa Hontiveros tungkol sa dalawang panukala.

Ito ay ang Magna Carta of Barangay Health Workers o Senate Bill 1905 at ang Anti-Hospital Detention Bill o ang Senate Bill 1511.

Sa Magna Carta of Barangay Health Workers ay sinita ni Cayetano na isinara ni Hontiveros ang period of amendments matapos na walang natanggap si Hontiveros na listahan ng gustong mag-amyenda sa panukala.

Agresibo rin ang pagtatanong ni Cayetano sa mekanismo ng promissory note para makalabas ng ospital ang walang pambayad na nakapaloob sa SB1511.

Nagbigay daan si Hontiveros at iginiit kay Cayetano na pwede nilang ayusin ang wordings ng panukala subalit, para kay Cayetano, pwedeng maging disaster o pinsala sa mga maliliit na ospital kung hindi aayusin ang sistema ng promissory note.

Naresolba ito sa huli matapos pumagitna ni Senate President Sherwin Gatchalian at iminungkahi na ipasagot sa gobyerno o sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang hospital bill ng mahihirap kaakibat ng promissory note na may guarantees mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at DSWD.

Facebook Comments