Wednesday, June 17, 2026

Coach Tab Baldwin at iba pang mga coaches, inisyuhan muli ng subpoena ng PNP-CIDG

Kinumpirma ni CIDG Director Police Major General Robert Morico II, na muli silang nag-isyu ng panibagong subpoena kaugnay ng pagkalunod ng dalawang Ateneo basketball players sa Aurora.

Ang nasabing pangalawang subpoena ay inisyu para kay Ateneo coach Tab Baldwin at iba pang mga coaches.

Ayon kay Morico, kasabay ng nasabing kanilang patawag kay Baldwin ay hinihiling nila na dalhin nito ang aerial footages ng kanyang drone habang isinasagawa ang naganap na training ng mga manlalaro sa isang resort sa nasabing lugar hanggang mangyari ang insidente.

Samantala, pito lang sa 10 players na pinatawag ngayon ang sumipot sa tanggapan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ngunit inaasahan naman na bukas dadalo ang mga nasabing hindi nakasipot ngayong araw.

Facebook Comments