
Hinimok ni Senate President Sherwin Gatchalian ang lahat ng mga senador na magkaisa at magtulungan na laban sa mga hamong kinakaharap ng bansa.
Ang panawagan ay ginawa ni Gatchalian sa gitna ng special session matapos niyang maihalal bilang bagong Senate president.
Ayon kay Gatchalian, mayorya man o minorya ay dapat magkaisa na sa paglilingkod at sama-samang harapin ang mga hamon sa bansa lalo’t sa kabila ng magkakaibang pananaw ay iisa naman ang kanilang misyon, at ito ay ang ipagtanggol ang batas at maglingkod sa bayan.
Tinukoy ng Senate president ang patuloy pa rin na pagtaas ng presyo ng langis at bilihin, banta ng strong El Niño at ilan pang mahahalagang usapin na inaasahan ng publiko na maaaksyunan at mabibigyan ng resulta.
Nagpasalamat din si Gatchalian sa mga senador na nagbigay ng tiwala sa kanya at buo niyang tinatanggap ang pagganap sa tungkulin at responsibilidad na kaakibat nito.










