Bilang ng mga apektadong indibidwal dahil sa pananalasa ng Bagyong Maymay, nadagdagan pa

Lumobo pa sa 6,323 pamilya o katumbas ng 22,681 na indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Maymay.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Galing ang mga apektadong residente sa Region 2, CALABARZON at CAR.


Sa naturang bilang, 150 pamilya o katumbas ng 414 na indibidwal ang nasa evacuation center habang ang nasa 243 pamilya o 371 indibidwal ay mas piniling manuluyan sa kanilang mga kaanak.

Una nang kinumpirma ng NDRRMC na dalawa na ang nasawi dahil sa hagupit ng Bagyong Maymay na parehong taga-Cagayan.

Facebook Comments