
Sinuspinde ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dalawang Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons sa Makati City dahil sa umano’y katiwalian.
Sa press briefing, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang mga pinatawan ng suspensyon ay sina Natalia Georgianna Tupaz ng Barangay Dasmariñas at Cecilia Louise Yabut ng Barangay Magallanes.
Suspendido ng anim na buwan si Tupaz matapos umanong humingi ng 20% kickback mula sa isang supplier para sa isang halloween project.
Habang sinuspinde naman ng tatlong buwan si Yabut matapos na magsumite umano ng mga dokumentong may pekeng lagda, kabilang ang sa isang SK Kagawad na nasa ibang bansa.
Ayon kay Remulla, posibleng maharap si Tupaz sa mga kasong korapsyon at falsification of documents, habang si Yabut at ang kanyang treasurer ay maaari ding maharap sa kasong falsification.










