
Sinampahan na ng kaso ang pulis na nagmamaneho ng Quezon City Police District (QCPD) mobile nang masangkot ito sa aksidente sa Payatas Road na ikinasawi ng limang persons under police custody (PUPCs) at ikinasugat ng ang apat na mga pulis at isang PUPC.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Lt. Col. Josef Geofrey Lim, hepe ng QCPD Traffic Enforcement Unit na isinailaim sa inquest proceedings ang driver na si alias Patrolman Jay.
Ayon kay Lim, ang kaso ay dahil sa reklamo ng complainant at maaari ding maharap ang driver sa iba pang mga kaso habang gumugulong ang imbestigasyon.
Sa ngayon, patuloy na hinihintay ang resulta ng technical inspection ng sasakyan mula sa third-party upang matukoy ang naging problema nito kaya nangyari ang malagim na aksidente.
Ani Lim, base sa mga initial statement, nawalan umano ng control ang driver dahil mayroon umano silang naramdaman na kabig sa sasakyan.










