Tuesday, April 14, 2026

PANGASINAN PPO, NAKIKIISA SA PANDAIGDIGANG KAMPANYA LABAN SA PEKENG GAMOT

Nakikiisa ang Pangasinan PPO sa pagpapatupad ng PNP Operational Plan PANGEA XVIII, isang pandaigdigang kampanya laban sa iligal na pagbebenta ng mga pekeng at hindi rehistradong gamot sa online.
Layunin ng operasyong ito na maprotektahan ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pagsugpo sa mga ilegal na online pharmacy, pagsamsam ng mga pekeng gamot, at pagpapataas ng kamalayan ng komunidad hinggil sa panganib na dulot ng mga ito.

 

Ayon sa pulisya, seryosong banta sa kalusugan ang paggamit ng counterfeit medicines dahil maaari itong magdulot ng masamang epekto o hindi epektibong paggamot sa mga pasyente. Bukod dito, may kaakibat din itong pananagutang legal sa sinumang sangkot sa pagbebenta o pagbili ng mga ilegal na produkto.

Nanawagan ang mga ito sa publiko na maging mapagmatyag at agad i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa kinauukulang awtoridad ang mga kahina-hinalang nagbebenta ng gamot online.

Pinayuhan din ang mamamayan na tiyaking sa mga awtorisado at lehitimong botika lamang bumili ng gamot upang makasiguro sa kaligtasan at kalidad ng kanilang iniinom.

Sa huli, binigyang-diin ng pulisya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad upang mapanatili ang isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments