Isinusulong ang pagtatayo ng sustainable agricultural farm sa loob ng Urdaneta District Jail Male Dormitory bilang bahagi ng rehabilitation at livelihood program ng Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Pinangunahan ito ng Agricultural Training Institute–Regional Training Center I (ATI-RTC I) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Regional Office 1.
Ayon sa ulat, isasailalim ang mga PDLs sa kasanayan sa agrikultura na maaari umano nilang magamit sa paghubog ng pangmatagalang kabuhayan matapos ang kanilang pagkakapiit.
Bukod dito, magsisilbi ring learning at demonstration site ang naturang farm para sa mga bisita, ahensya at stakeholders na interesadong makita ang sustainable jail-based livelihood model.
Giit ng ATI-RTC I, layon ng proyekto na mas palawakin ang oportunidad ng mga PDLs tungo sa produktibong kinabukasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










