Wednesday, April 15, 2026

Pilipinas, humirit ng extension sa US sa pag-aangkat ng langis mula Russia

Nakikiusap na ang pamahalaan sa Estados Unidos na palawigin ang waiver na nagpapahintulot sa Pilipinas na bumili ng langis mula Russia.

Ito’y matapos mag-expire noong April 11 ang 30-araw na palugit, para makapag-angkat ang Pilipinas ng Russian crude sa gitna ng umiiral na embargo.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na naiparating na sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kahilingan para sa extension, ngunit hinihintay pa ang sagot ng US.

Pero kung hindi maaprubahan, iginiit ng DOE na hindi titigil ang suplay ng langis dahil marami pang bansa ang mapagkukuhaan nito.

Sa ngayon, wala pang bagong order ng langis mula Russia, ayon sa mga oil company.

Wala rin aniyang malinaw na timeline kung kailan magdedesisyon ang Estados Unidos sa hiling ng Pilipinas.

Facebook Comments