
Aminado ang ilang retailer ng bigas sa Commonwealth Market na itinitinda nila ang ilang mga 5% broken imported na bigas ng mas mataas pa sa ₱50 na price cap.
Ito ay dahil imposible umanong kumita ang mga retailer kung susunod sila sa itinakdang price cap ng Department of Agriculture (DA) lalo’t nagbabayad umano sila ng puwesto at plastic.
Sa pag-iikot ng DZXL News, may mga bigas na sakop ng price cap na ibinibenta sa halagang ₱52 hanggang ₱61.
Matatandaang nakasaad sa Executive Order No. 18, maaaring patawan ng kriminal o administratibong parusa ang mga retailers na lalabag sa nasabing price cap.
Facebook Comments










