MGA BAGONG KAGAMITAN PARA SA WASTE MANAGEMENT, MAAYOS NA DUMATING SA BRGY. CARANGLAAN

Dumating na ang mga bagong makina na inaasahang makatutulong sa itatayong composting facility sa Brgy. Caranglaan bilang bahagi ng pagpapalakas ng waste management program sa lungsod.

Sa pamamagitan ng kahilingan ni Konsehal Jigs Seen katuwang ang Department of Science and Technology o DOST, ipinagkaloob ang glass pulverizer, bio shredder, at composter na gagamitin para sa mas maayos na pamamahala at pagproseso ng basura sa barangay.

Ayon sa mga opisyal, nakatakdang gawing model barangay ang Brgy. Caranglaan para sa planong pagtatayo ng composting facility na makatutulong hindi lamang sa tamang segregasyon ng basura kundi maging sa pagpapaunlad ng waste management system sa siyudad.

Inaasahan naman na sa tulong ng mga makabagong kagamitan ay mas mapabubuti ang proseso ng waste disposal at recycling habang hinihikayat din ang komunidad na makiisa sa mga programang pangkalinisan at pangangalaga sa kapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments