DAR, uumpisahan na sa Marso ang pamamahagi ng Camp Keithley sa mga magsasaka sa Marawi City

Pasisimulan nang ipamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang isang bahagi ng Camp Keithley, isang military reservation sa Marawi, Lanao del Sur, sa mga agrarian reform beneficiaries sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Sinabi ni DAR Secretary Bernie Cruz na ang pamamahagi ng mga nakatiwangwang na Government-Owned Lands (GOLs) tulad ng sa Marawi ay prayoridad alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinamamadali na ni Cruz sa DAR Field Operations Office sa Northern Mindanao na agad na tapusin ang survey para matukoy ang mga naapektuhan at agad na maipamahagi ang lupa.


Sinabi naman ni DAR-Northern Mindanao Regional Director Zoraida Macadindang na puspusan ang kanilang trabaho na tapusin ang mga gawain sa gitna ng banta ng pandemya.

Facebook Comments