
Ipinroklama na ng Commission on Elections (COMELEC) ang nanalo sa isinagawang special elections sa ikaapat na distrito ng Cavite.
Ayon sa Comelec, nakakuha ng landslide win si Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga na may 201,893 na boto.
Malayo ito sa sumunod sa kaniya na si dating Dasmariñas Vice Mayor Rex Mangubat na may 30,373 na boto.
Habang 24,350 naman ang bumoto kay Jesse Frani, 1,184 kay Marvin Dupal-Ag at 561 kay Leysander Ordenes.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, umabot sa 57.75 percent ang voters turnout sa special elections na nilahukan ng 258,361 na botante.
Matapos iproklama ng poll body, papalitan ng alkalde ang kaniyang anak na si dating Rep. Kiko Barzaga na pinatalsik sa pwesto ng mga kapwa mambabatas noong Hunyo.
Habang mauupo namang bagong alkalde ang kaniyang anak na si Vice Mayor Third Barzaga.










