Thursday, August 20, 2026

Dating House Speaker Romualdez, maghahain ng Supplemental Counter-Affidavit sa Ombudsman kalakip ang pagbaliktad ni Guteza

Maghahain ngayong araw sa Ombudsman si dating House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez ng Supplemental Counter-Affidavit kalakip ng napabalitang pagbaliktad ni Mr. Orly Guteza.

Ayon kay Atty. Ade Fajardo, tagapagsalita ni Romualdez, kasama rin sa ihahain ang sinumpaang salaysay ng 25 na dating drivers at security aides ni dating Congressman Zaldy Co.

Binanggit ni Fajardo na kinontra nila ang kwento ng 18 Maleta Boys na ipinrisita ni Atty. Levi Baligod.

Diin ni Fajarado, malinaw ang kanilang pahayag na walang naganap na anumang delivery ng pera sa sinumang pulitiko o opisyal ng gobyerno, kabilang si Rep. Romualdez at hinikayat lamang silang sumali sa isang grupo ng mga testigo kapalit ng pera, kung saan may mga affidavit nang inihanda para sa kanila.

Facebook Comments