
Aabot sa 43 kilograms ng shabu ang ipinirisinta ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kanilang nasabat sa Manila International Container Port (MICP).
Ang nasabing droga ay nagkakahalaga ng halos P300 milyon, kung saan nakalagay ito sa mga fabric pouches.
Nabatid na nagmula pa sa Afghanistan ang droga na ibinagsak MICP kung saan sakay ito ng dalawang 20-foot containers na idinekparang “talc stones”.
Napag-alaman na nadiskubre ang karga nitong droga ng isailalim sa masusing inspeksyon at physical examination.
Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang BOC sa PDEA para hindi na makalusot at maikalat ang droga saka ito kinumpiska.
Patuloy na inaalam kung sino-sino o anong grupo ang responsable sa pagpasok ng kargamento kung saan muling nagbabala ang BOC sa mga gumagawa ng iligal na sisiguraduhin nila na mananagot at mapaparusahan sila ng naayon sa batas










