Saturday, May 30, 2026

3 kompanya at 1 pribadong indibidwal, inireklamo ng BIR sa DOJ dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P58.5 Million

Sinampahan ng reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang tatlong kompanya at isang pribadong indibidwal na umano’y sangkot sa hindi pagbabayad ng aabot sa P58.5 million na buwis, multa, at surcharges noong 2017.

Kabilang dito ang isang kompanya na nakarehistro sa Bacoor, Cavite at may P27.294 na utang sa deficiency income at witholding tax, habang P9.661 million naman ng income tax, expanded witholding tax, at VAT (Value-Added Tax) ang hindi binayaran ng isang kompanya sa Davao del Sur.

Samantala, aabot naman sa P5.648 million ang income tax at VAT na tinakbuhan ng isang kompanya, na sinasabing wala na umano sa rehistradong address nito ayon sa BIR.

Sa kabilang banda, P15.903 million naman ang utang ng isang pribadong individwal mula sa Sorsogon.

Ayon sa BIR, nilabag umano ng nasabing mga respondent ang Section 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC) dahil sa pagsasawalang bahala ng kanilang mga abiso at warrant of distraint at levy; habang maaari naman silang pagmultahin ng P10,000 at makaulong ng 10 taon saklaing mapatunayang guilty.

Facebook Comments