Wednesday, June 10, 2026

Bagong gusali sa San Francisco High School, Quezon City na nasunog noong 2025, ininspeksyon ni PBBM

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong Dao Building ng San Francisco High School sa, Quezon City ngayong Miyerkules.

Muling itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang apat na palapag na gusali matapos itong masunog noong Hunyo 2025.

Natapos ang proyekto sa loob lamang ng walong buwan, mas maaga sa itinakdang isang taon.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang bagong gusali ay patunay ng maayos na paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral.

Mayroon na itong 36 na silid-aralan at sprinkler system na kasalukuyan nang ginagamit ng mga estudyante, dahilan upang hindi na kailanganin ang double shifting sa paaralan.

Ang San Francisco High School, na may humigit-kumulang 6,800 mag-aaral, ay kabilang sa pinakamalalaking pampublikong high school sa bansa.

Facebook Comments