Monday, November 23, 2026

2 nasawing piloto ng Philippine Air Force, binigyan ng parangal ni PBBM

Nakiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) na nasawi sa pagbagsak ng isang trainer aircraft sa Tuba, Benguet noong May 20.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bumisita ang Pangulo sa burol nina First Lieutenant Ruth Angelique Pasos at Second Lieutenant Cherky Enlawan Embudo sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ginawaran din ni Pangulong Marcos ng Silver Wing Medal ang dalawang opisyal bilang pagkilala sa kanilang serbisyo sa bansa.

Nasawi ang mga piloto matapos bumagsak ang sinasakyang SF-260 trainer aircraft habang nagsasagawa ng navigation training flight noong umaga ng May 20.

Tiniyak naman ng Philippine Air Force ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments