Thursday, May 21, 2026

Overhaul sa security protocol, iminungkahi ng isang senador

Inirekomenda ni Senator Erwin Tulfo ang pag-overhaul sa security protocol ng Senado matapos ang nangyaring shooting incident sa loob ng Senado.

Ayon kay Tulfo, wala man lamang pumoste na Marines o Philippine National Police (PNP) sa kwarto para i-secure ang mga senador na natrap sa isang kwarto habang nagbabarilan ang Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) at National Bureau of Investigation (NBI).

Tinukoy ng senador ang panganib kung sakaling napasok ang kwarto ng mga kasamahang mambabatas na nagpupulong ng gabing iyon.

Sinabi ni Sen. Erwin na magsilbing wake-up call ang nangyaring insidente, matapos na masubok ang kahandaan ng Senado at nakitang may mga butas sa seguridad at nakita ring kulang sa training ang mga OSAA.

Lahat kasi aniya ay nakapwesto sa isang sulok na wala namang nakikita kung sino ang kabarilan.

Isinisi rin ng senador kay suspended Acting Sergeant-At-Arms Mao Aplasca na commander on the ground ang pagkukulang dahil nagdulot ito ng matinding takot sa mga senador at sa lahat ng mga nadamay sa naturang shooting incident.

Facebook Comments