Saturday, May 2, 2026

Pilipinas at Japan, pinalakas ang ugnayan para sa malinis na enerhiya

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Malacañang para palakasin ang kooperasyon sa enerhiya at pabilisin ang paglipat sa renewable energy.

Itinutulak ng Japan ang Asia Zero Emission Community (AZEC) para patatagin ang suplay ng enerhiya sa rehiyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, kailangang bilisan ang paggamit ng malinis na enerhiya sa gitna ng global na kakulangan sa suplay.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa Japan sa tuloy-tuloy na pagtupad sa fuel supply commitments nito sa Pilipinas.

Tiniyak naman ni Kishida ang suporta ng Japan sa energy at economic resilience ng bansa, at ang pakikipagtulungan sa pagho-host ng Pilipinas ng 4th AZEC Leaders’ Meeting sa Nobyembre.

Kabilang sa mga inisyatiba ang $10 bilyong POWERR Asia ng Japan na tutulong sa mga bansa sa Asia na palakasin ang suplay ng enerhiya at harapin ang posibleng kakulangan nito.

Facebook Comments