Saturday, June 27, 2026

Davao City, nakakuha ng pinakamalaking national tax allotment ngayong taon

Tumanggap ang Davao City ng pinakamalaking National Tax Allotment (NTA) sa buong bansa ngayong 2026.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto na umabot sa P10.1 bilyon ang NTA ng Davao City, halos 15% mas mataas kaysa natanggap nito noong 2025.

Nanguna naman ang Quezon City sa Metro Manila matapos tumanggap ng P9.82 bilyong NTA.

Sumunod ang Maynila na may P6.09 bilyon, Caloocan na may P5.5 bilyon, habang kabilang din sa may pinakamalaking alokasyon ang Taguig at Pasig.

Tiniyak ni Recto na lahat ng local government units (LGUs) sa bansa ay makatatanggap ng mas mataas na National Tax Allotment ngayong taon.

Ipinaliwanag din niya na ang pondo para sa NTA ay nagmumula sa bahagi ng koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at iba pang kita ng pamahalaan na sertipikado ng Bureau of the Treasury (BTr).

Facebook Comments