
Sinuspinde ng 30 araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang operasyon ng isang electric vehicle taxi unit ng Green and Smart Mobility Philippines, Inc.
Ito ay matapos umanong makipagsabwatan ng itinalagang driver nito sa dalawang sikat na vlogger para magsagawa ng robbery prank sa sakay nitong mga pasahero.
Sa video, makikita na ang driver mismo ang nagdeklara nang pangho-hold-up, habang pumasok naman ang dalawang indibidwal sa electeic vehicle na umaktong kukuha ng mga gamit ng pasahero.
Samantala, inisyuhan na rin ng Show Cause Order (SCO) ang operator ng nasabing electric vehicle, habang gumugulong ang imbestigasyon tungkol dito.
Mariin namang iginiit ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza, na hindi umano nakakatuwa ang nasabing prank, bagkus ay nagbibigay pa umano ito ng takot sa mga pasaherong sumasakay ng taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS).










