De La Salle University, pinalasap ang unang talo ng Ateneo Blue Eagles sa huling game ng elimination round ng UAAP Season 80 Men’s Basketball Tournament

28

UAAP – Ipinamalas ng De La Salle Green Archers ang kanilang mahigpit na depensa matapos na dungisan ang record ng Ateneo Bule Eagles sa huling game ng elimination round ng UAAP season 80 Men’s Basketball Tournament.

Kumamada ng 10-point run ang La Salle sa huling 2 minutes at 21 seconds ng laro dahilan para manalo sila sa score na 79-76 at malasap ng Ateneo ang unang talo na may 13-1 win/loss record.

Dahil dito, hindi na magkakaroon pa ng step ladder match sa semifinals kung saan maghaharap ang Ateneo at FEU habang makakalaban ng La Salle ang Adamson.

Nanguna naman sa Archers si Ben Mbala na may 28-points habang 21-points naman ang sa teamate nitong si Ricci Rivero.

Facebook Comments