Monday, July 13, 2026

Defense team, pinabulaanan na ang interpretasyon ng “bloodbath” na sinabi ni VP Sara Duterte ay para makapanakit

Nilinaw ni defense counsel Atty. Michael Poa na ang ibig sabihin sa “bloodbath” na sinabi ni VP Sara noong nakaraang linggo sa press media ay sariling dugo ng bise ang tatagas dahil siya ang nagiging subject ng impeachment trial.

Ayon kay Poa, pinapatungkulan ng bise presidente ang kanyang sarili sa sinabi nyang pahayag.

Pinabulaanan ni Poa ang mga interpretasyon ng publiko na ang ibig sabihin ng “bloodbath” ay para makapanakit.

Ang nasabing isyu ay kaugnay ng naging pahayag ni VP Sara na “In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.”

Ayon naman sa proseksyusyon sa pahayag na ito ng bise na ayaw nila magkaroon ng sakitan sa impeachment proceedings at ang intensyon lamang nila ay pananagutan.

Facebook Comments