Monday, July 13, 2026

Malacañang, pag-aaralan ang pagbubukas ng ‘green box’ ng tax records ni VP Sara kung hihilingin ng Senado

Handang pag-aralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng “green box” na naglalaman umano ng mga tax records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawa bilang bahagi ng impeachment trial, kung hihilingin ng Senado.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala pang natatanggap na pormal na request ang Pangulo kaya wala pa itong desisyon kung papayagan ang pagbubukas ng naturang kahon.

Kasunod ito ng pahayag ni Senador Ping Lacson na kailangan ang pahintulot ng Pangulo bago mabuksan ang “green box.”

Binigyang diin din ni Castro na mahalaga ang lahat ng lehitimong dokumento sa paglalahad ng katotohanan, lalo na sa mga usaping may kaugnayan sa impeachment.

Samantala, muling iginiit ng Malacanang na hindi ito makikialam sa panawagan na pabilisin ang impeachment trial ni VP Sara, dahil nasa Senado ang desisyon at kapangyarihan kung paano at kailan mapabibilis ang paglilitis.

Facebook Comments