
Nagpasalamat si dating Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa pagkakataong ibinigay sa kaniya para magsilbing kalihim ng kagawaran.
Sa isang pahayag, sinabi ni Herbosa na sumailalim siya sa bilateral knee replacement nitong July 7 at kailangan pang sumalang sa physical therapy para sa tuluyang paggaling.
Ito aniya ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw bilang Health Secretary kaya’t nagsumite siya ng resignation letter kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni Herbosa na hindi maaaring maapektuhan ng kaniyang rehabilitasyon at therapy ang araw-araw na trabaho ng kagawaran.
Kasabay nito, nagpasalamat si Herbosa kay Pangulong Marcos Jr. sa tiwalang ibinigay sa kaniya at patuloy daw niyang susuportahan ang mga adhikain para sa mga Pilipino.
Nagpaabot din siya ng pagbati sa bagong kalihim na si Sec. Jose Pujalte Jr.










