Monday, July 13, 2026

Palasyo, dinepensahan ang bagong puwesto ni dating Budget Sec. Pangandaman sa GOCC

Ipinagtanggol ng Malacañang ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Budget Secretary Amenah Pangandaman bilang Chairperson at Chief Executive Officer ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines, kahit nadawit ang kanyang pangalan sa flood control controversy.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pang kasong nakasampa laban kay Pangandaman at kung may ebidensya man aniya ay malaya ang sinuman na magsampa ng kaso.

Nilinaw rin ng Palasyo na ang bagong appointment ni Pangandaman ay hindi nangangahulugang wala na siyang pananagutan.

Iginiit din ni Castro na bukas ang administrasyon sa pag-iimbestiga sa sinumang opisyal, maging kaalyado, kamag-anak ng pangulo, o miyembro ng gabinete.

Matatandaang nagbitiw si Pangandaman sa gabinete noong Nobyembre 2025 upang hindi makaimpluwensya sa imbestigasyon kaugnay ng mga kontrobersyal na flood control projects.

Facebook Comments