
Masyado pang maaga…
Ito ang inihayag ni Defense Counsel Atty. Michael Poa nang tanungin ito kung magbabawas din ba ng mga testigo ang defense team sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Poa, mahaba pa ang tatakbuhin ng impeachment trial lalo na sa dulo pa magpapalitaw ang defense team ng kanilang mga posibleng testigo.
Samantala , sinabi pa ni Poa na ang pagwiwithdraw ng mga testigo ng prosecution ay wala namang epekto sa kanila.
Aniya kahit ang depensa ay maaari ring magbawas ng witnesses depende sa magiging takbo ng kanilang kaso.
Kaugnay nito ayon pa kay Poa , ngayon ay magmomove on lang ang depensa para maghanda sa article 1 nang hindi kinakalimutan ang pagdalo naman ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa susunod na linggo.










