Thursday, July 16, 2026

Pinapalutang na planong pagpatay kay VP Duterte, hindi suportado ng anumang ebidensya

Screenshot from House of Representatives of the Philippines/Facebook

Binigyang-diin ng House Prosecution Panel na walang anumang ebidensya ang sumusuporta sa pinalulutang na planong pagpatay kay Vice President Sara Duterte para bigyang-katwiran ang pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at iba pang personalidad.

Ayon kay Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr., batay ito sa findings ng National Bureau of Investigation (NBI) at testimonya sa impeachent trial ng testigo na si NBI Regional Director Atty. Jeremy Lotoc.

Sa mga nagdaang araw ng paglilitis ay binanggit ng abogado ng depensa ang “Oplan Romanov,” na siyang ugat ng pagbabanta ni VP Duterte kay PBBM at iba pang personalidad na inihayag niya sa kaniyang online presscon noong November 23, 2024.

Pero diin ni Tolosa, lumabas sa impeachment trial na ang “Oplan Romanov” ay unang binanggit ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang direktang babala kay Pangulong Marcos at sa kaniyang pamilya.

Diin naman ni House Trial Spokesman Representative Zia Alonto Adiong, naging bukas ang NBI para imbestigahan ang “Oplan Romanov” pero hindi nakipagtulungan si VP Duterte at ang tagasuporta niyang nagbanggit din nito.

Facebook Comments