Ginawaran ng Presidential Citation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Filipina tennis star Alex Eala sa isang special homecoming reception sa Malacañang para sa makasaysayan nitong kampanya sa Wimbledon.
Ayon kay Pangulong Marcos, ipinakita ni Eala ang pinakamahusay na katangian ng mga Pilipino sa loob at labas ng court.
Naging magaan din ang homecoming reception para kay Eala dahil hindi naitago ni Pangulong Marcos ang kaniyang pagiging fan.
Nagbiro pa siya na “inimbento lang” nila ang pagtitipon at paggawad ng Presidential Citation para makapagpa-picture sa Pinay tennis star.
Tiniyak rin ng pangulo na nakasuporta ang buong sambayanang Pilipino at handang tumulong ang pamahalaan sa pagpapatuloy ng karera ni Eala.
Kinilala rin ni Marcos ang mga magulang ni Eala sa kanilang mga sakripisyo upang matupad ang pangarap ng kanilang anak.
Bilang pasasalamat sa homecoming reception, binigyan ni Eala ang First couple ng cap at signed tennis ball.
Ayon kay Eala, patuloy nitong dadalhin ang bandila ng Pilipinas sa buong mundo.











