Thursday, July 16, 2026

‘No disconnection policy’ bilang tugon sa mga reklamo laban sa Meralco, band-aid solution lang

Hindi kuntento si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago sa pagpapalawig ng Energy Regulatory Commission o ERC sa “No disconnection policy” bilang tugon sa reklamo ng mga customers ng Meralco.

Giit ni Elago, ito ay band-aid solution lamang na hindi naman makakaresolba sa ugat ng reklamo ng publiko laban sa sobrang singil ng Meralco at maling pagbasa ng metro.

Reaksyon ito ni Elago sa anunsyo ng ERC na palalawigin lagpas ng July 31 ang suspension ng electricity disconnections dahil sa dumaraming reklamo sa mataas na bayarin sa kuryente.

Diin ni Elago, ang tunay na proteksyon sa mga konsyumer ay hindi ang pagpapalawig ng no disconnection policy kundi ang pagpigil sa labis na singil at pagtiyak na hindi pinapasan ng taumbayan ang tubo ng malalaking pribadong kompanya.

Facebook Comments