
Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Singapore Prime Minister Lawrence Wong na palawakin pa ang pagtutulungan ng Pilipinas at Singapore sa pamumuhunan, artificial intelligence, kalusugan, at iba pang mahahalagang sektor.
Sa kanilang bilateral meeting sa Singapore, tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalawak ng kalakalan at paghikayat ng mas maraming mamumuhunan upang lumikha ng mas maraming oportunidad para sa dalawang bansa.
Kasama rin sa mga napagkasunduan ang pagpapalakas ng kooperasyon sa health at social development upang mapabuti ang mga programang makikinabang ang mga mamamayan.
Isusulong din ng Pilipinas at Singapore ang mga bagong bilateral agreement na magpapalalim pa sa ugnayan at magdadala ng dagdag na benepisyo sa parehong bansa.
Pinagtibay rin ng dalawang lider ang kanilang pangako na magtulungan upang mapanatiling mapayapa, matatag, at maunlad ang rehiyon ng ASEAN.










