Thursday, May 7, 2026

DENR, kinokonsulta na ang OSG kaugnay ng isyu ng Landfill fire sa Navotas

Nakikipag ugnayan na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa posibleng mga legal na aksyon na may kaugnayan sa nagpapatuloy na sanitary landfill fire sa Navotas.

Layon nito na matiyak na may legal na batayan ang gagawing pagpapanagot sa mga may pagkukulang lalo pa’t ang patuloy ang pagsama ng kalidad ng hangin na umabot na rin sa kalapit na mga bayan

Una nang naglabas ang DENR, ng Notice of Violation sa landfill operator upang pagpaliwanagin kung bakit di ito maaring papanagutin sa paglabag sa pinirmahang Sworn Statement of Accountability sa inisyu sa kanilang Environmental Compliance Certificate (ECC) .

Sa ilalim nito, itinatakda na dapat tiyakin ng ECC holder na ligtas at umaalinsunod sa regulasyon ang operasyon ng kanilang landfill site.

Ayon pa sa DENR, pinagpapaliwanag nila ang Landfill operator kung bakit di ito nagsumite ng Safe Closure and Rehabilitation Plan at Abandonment Plan na nagdedetalye ng kanilang gagawing paghahanda sa site habang papatapos na ang operasyon nito.

Facebook Comments