Manila, Philippines – Nilinaw ni Department of Education-National Employees President Atty. Domingo Alindon na ang 40,000 miyembro ng Department of Education National Employees’ Union na napakahalaga na magkaroon ng harmonious relationship sa pagitan ng DepEd management at ng Union.
Ayon kay Atty. Alidon, na karamihan sa mga school division superintendents nationwide ay hindi tumatalima sa direktiba ng ahensiya gaya aniya ng DepEd Order No. 23, Series of 2018 o ang Implementation ng Flexible Working Hours for the Non-Teaching Personnel.
Paliwanag ni Alidon na hindi aniya nangangahulugan na sumusuporta sila sa DepEd Order No. 23 ay sunod sunuran na lamang sila sa lahat ng gusto ng management.
Giit ng opisyal hindi nila kaaway ang management, ng mga superintendents, nais lamang ng grupo na tumalima kung ano ang isinasaad sa Collective Negotiation Agreement (CNA).
Hinikayat ni Alidon ang lahat ng mga superintendents, assistant Regional directors, regional directors at iba pang opisyal na sumunod sa lahat ng mga direktiba ni Education Secretary Leonor Magtolis-Briones dahil wala aniyang silbi ang pagiging kalihim nito kung babalewalain ang kanyang mga kautusan.